Thursday , December 19 2024

Arnis muling nilaro sa SEA Games

PARA sa ilan, ang arnis — ang pinasikat na martial arts ng ating mga ninuno — ay maituturing na brutal at walang sining, ngunit sa realidad, sa likod ng matitinding hampas ng pag-atake at depensa ay mayroong tradisyon na nagmumula sa daan-daang taong nakalipas.

At bilang sport o disiplina, sa gitna ng maiikling laban nito na tumatagal lamang nang ilang minuto, ang mabangis na combat sport ay matagumpay na nakapagbalik sa ika-30 Southeast Asian Games dito sa ating bansa, para makaambag sa ating gold medal haul ng 14.

Ipinagmamalakai ng ating mga arnisador ang ating bansa, at nasa puso ng bawat Pinoy ang arnis dahil ginugunita nito ang bayaning si Lapu-Lapu, na ang hukbo ay siyang tumalo at pumaslang kay Ferdinand Magellan, ang lead explorer sa kauna-unahang circum­navigation ng mundo.

Ang ‘full combat’ version ng arnis ay mabilis at walang patawad, at itinuturing ang mga sandatang hawak bilang karugtong ng katawan ng mandirigma. Ito’y estilo ng pakikipaglaban na gumagamit ng mga kutsilyo at yantok ngunit ipinagbawal ang sandata ng mga Kastila noong sinakop nila ang ating kapuluan kaya napilitan ang ating mga ninuno na magsanay gamit ang mga patpat.

At sa SEA Games, mga kalalakihan at kababaihan mula sa apat na bansa lang — ang Filipinas, Myanmar, Cambodia at Vietnam — ang lumahok sa bantamweight, featherweight, lightweight at welterweight division. Nagtanghal din sila ng mga solo choreographed routine na may sandata na tinatawag na anyo, na kailan lang ay nakasuot sila ng tradisyonal na kasuotan.

Nasungkit ni Crisamuel Delfin ang gold medal para sa kanyang ‘open weapon’ anyo routine. Simbolo ng katapangan ang kanyang putong sa ulo at ang kanyang mga tato nama’y nagpakita ng kanyang pagiging mandirigma, paliwanag ng arnisador, habang ang pattern ng kanyang bahag o wanno ay indikasyon kung saan siya nanggaling—ang bulubunduking rehiyon ng lalawigan ng Ifugao.

Nagwagi si Abegail Abad ng Baguio City sa women’s welterweight, padded stick competition.

“For me it is important to look back for the traditional because it is what binds us together. And if this binds us together we can also be what we want to be in the future,” ani Abad.

Huling napasama ang arnis sa sports discipline sa SEA Games noong 2005, nang ang Filipinas ang nagtanghal ng biennial sports event — at huling nagkampeon sa kom­petisyon.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *