Friday , May 16 2025

Kahit hindi nakasama sa Top 10 finalists… Miss PH Gazini Ganados pinuri ng Malacañang

HINDI man nasungkit ang Miss Universe 2019 crown, binati pa rin ng Palasyo si Miss Philippines Gazini Ganados.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay dahil sa maa­yos na naipresenta ni Gana­dos ang Filipinas sa prestihiyosong patimpalak na ginanap sa Atlanta, Georgia sa United States of America (USA).

Ani Panelo, naipag­malaki at nagbigay ng kara­ngalan si Ganados sa pama­magitan ng pagpapakita ng kakaibang ganda at talento ng isang Filipina.

Aniya, ang karanasan ni Ganados sa Miss Universe ay tiyak na makadaragdag sa kanyang development bilang isang beauty queen.

Hangad aniya ng Pala­syo ang lahat ng kabutihan ni Ganados para sa iba pang susuungin sa buhay.

Nasa top 20 si Ganados at hindi na nakapasok sa top 10 finalists.

Si Miss South Africa Zozibini Tunzi ang itinanghal na Miss Universe 2019.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Guide Gabayan 2025 Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Gabayan 2025: Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Itogon, Benguet — Isang makulay at makabuluhang kabanata ang isinulat ng Gabayan 2025, ang taunang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *