TINIMBANG siya ngunit kulang.
Ito ang pahayag ng Palasyo sa banta ni Vice President Leni Robredo na isisiwalat sa mga susunod na araw ang natuklasan niya kaugnay sa drug war na isinusulong ng administrasyon sa loob ng 18 araw niyang pagiging drug czar.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaya si Robredo na gawin ang gusto dahil lahat naman ng ‘natuklasan’ niya ay ibinigay sa kanya bilang drug czar.
“She can do as she pleases. Anything that she claims she has discovered was accessed to her,” ani Panelo.
Kaya nga aniya itinalaga si Robredo bilang drug czar upang malaman ang lahat ng gusto niyang mabatid maliban sa tsansang makatulong sa kampanya kontra-illegal drugs.
“She was precisely appointed, apart from giving her the opportunity to assist in the campaign against illegal drugs, to let her know that everything in the drug was and is transparent,” dagdag ni Panelo.
Iginiit ni Panelo, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo dahil kapos sa kakayahan bilang drug czar maliban sa kabiguan na ihayag ang sinasabi niyang mga bagong patakarang pamalit sa tinawag niyang “ineffective method” sa paglaban sa illegal drugs.
ni ROSE NOVENARIO