Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aresto vs vape user utos ni Digong

KINALAMPAG ni Pangulong Rodri­go Duterte sa Bureau of Customs (BoC) sa pagpapalusot sa bansa ng alinmang uri ng electronic cigarettes.

Ang pahayag ng Pa­ngulo ay matapos ipag-utos ang pagbabawal sa importasyon at paggamit ng vape cigarettes sa Filipinas.

Giit ng Pangulo, da­pat bantayan mabuti ng BoC ang lahat ng pali­paran at pantalan laban sa posiblidad na maipa­sok ng bansa ang vape cigarettes.

Asahan aniya ang ilalabas niyang executive order hinggil dito sa mga susunod na araw, pero sa ngayon, bawal na aniya ang paggamit nito.

Una nang inatasan ni Pangulong Duterte ang mga awtoridad na ares­to­hin ang gumagamit ng vape sa mga pampu­blikong lugar.

Ayaw ng Pangulo na malulong sa pag­gamit ng vape ang mga Pinoy dahil sa taglay nitong matin­ding toxin.

Hindi naiwasang ikom­para ng Pangulo ang vape na aniya ay nagta­tag­lay ng iba’t ibang mapanganib na kemikal na hindi nalalaman ng publiko maliban sa nico­tine, habang ang sigarilyo aniya ay nicotine lamang ang taglay.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …