NAPIKON si Pangulong Rodrigo sa pakikipagpulong ni Vice President Leni Robredo sa mga kalaban ng isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon, kaya hinubaran ng cabinet rank ang kanyang pagiging drug czar.
Inamin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sumama ang panlasa ni Pangulong Duterte kay Robredo nang makipag-meeting at humingi ng payo sa mga dayuhang personalisad at institusyon na hinusgahan na ang kanyang drug war bilang paglabag sa karapatang pantao at krimen laban sa sangkatauhan.
“The Vice President talking with — and seeking the advice of — certain foreign institutions and personalities that have prejudged the campaign against illegal drugs as a violation of human rights, as well as a crime against humanity, did not sit well with the President,” ayon kay Panelo sa isang kalatas kahapon.
Ang naturang mga hakbang ni Robredo ay kontra sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo na maging miyembro ng gabinete bilang drug czar.
“The VP’s actions are all documented in mainstream and social media. These missteps not only derailed PRRD’s well-meaning intent for the Vice President to be part of the Administration, but registered red signs that could not be ignored,” giit ni Panelo.
Ang pagsusumikap aniya ni Robredo na mabatid ang classified information ay maaaring magpahamak sa sambyanang Filipino at sa estado kaya tinanggal siya bilang miyembro ng gabinete.
“Ms. Robredo’s insistence on getting access to classified information, a revelation of which could imperil the welfare of the Filipino people and the security of the State, added to PRRD’s reconsideration of his earlier desire to appoint her in the Cabinet,” sabi ni Panelo.
“Her requests for unrestricted data to help her fulfill her role is an admission that the earlier criticisms of the political opposition to which she belongs against the anti-drug operations have no factual basis,” dagdag niya.
Binigyan diin ni Panelo na ang tendensiya ni Robredo na maging ‘generous’ sa mga hawak na impormasyon at ibahagi ito sa iba ay puwedeng maging mapanganib para sa bansa.
“Being a member of the Cabinet gives Ms. Robredo unlimited access to sensitive State matters which if transmitted by her whether purposely or otherwise could result to adverse consequences, especially since the VP has the tendency to be generous with acquired information and knowledge to others whose predilection may not be in the best interest of the country,” ayon kay Panelo.
Kamakalawa ay binawi ng Pangulo ang cabinet rank na kalakip ng posisyong drug czar na ibinigay kay Robredo.
ni ROSE NOVENARIO