KAHIYA-KAHIYA si US Senator Bernie Sanders dahil nagbabahagi ng mga impormasyon hinggil sa Filipinas na hindi beripikado.
Ito ang buwelta ng Palasyo sa sinabi ni Sanders na isang ‘shameful attempt’ ang pagpapatahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aktibista.
Ayon kay Presidential spokesperson Sectretary Salvador Panelo, ang mga pahayag ni Sanders ay batay sa mga pag-iingay ng mga kritiko ni Pangulong Duterte na inilalathala ng foreign news agencies.
Ipinagtanggol ni Panelo ang sunod-sunod na pagsalakay ng mga pulis sa mga bahay at opisina ng mga aktibista at batay aniya ito sa intelligence report na may ginagawa silang hindi tama.
Malaya aniyang dumulog sa korte ang mga aktibista at sampahan ng kaso ang mga pulis kung sa tingin nila’ y mali ang ginawa sa kanila.
(ROSE NOVENARIO)