TABLADO sa Palasyo ang pahayag ng London-based think tank na Capital Economics na mas marami pang mamumuhunan ang magnenegosyo sa Filipinas kung papalitan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan.
Tinawag na “wishfuk thinking” ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang opinyon ng Capital Economics.
Pakikialam aniya sa soberanya at pamamalakad ng Filipinas ang hirit ng Capital Economics.
Pinayohan ni Panelo si Robredo na mag-ingat sa pagtanggap ng mga payo at baka makasira lamang sa kanya.
Giit ni Panelo, hindi nagsisinungaling ang numero dahil base sa report ng economic managers dumami pa ang mamumuhunan sa bansa mula nang maluklok si Pangulong Duterte sa Palasyo.
(ROSE NOVENARIO)