BINALEWALA ng Palasyo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami na siyang iniindang sakit dahil matanda na siya.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung dati ay inilalarawan niya na “in pink condition” ang kalusugan ng Pangulo, ngayon ay “in green condition” ito.
Ibig sabihin aniya, hindi normal ang lagay ng kalusugan ng Pangulo dahil marami na siyang karamdaman gaya ng mga sitwasyon ng matatanda.
Sa kabila nito’y tiniyak ni Panelo na puno pa rin ang schedule ng Pangulo at maayos na nagagampanan ang kanyang tungkulin.
(ROSE NOVENARIO)