IPAG-UUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiwalay na imbestigasyon sa dalawang miyembro ng gabinete na kinompirma ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) na dawit sa korupsiyon.
“Of course, the President will order an investigation, he will validate it,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Ang pahayag ni Panelo ay bilang tugon sa sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na batay sa ginawa nilang imbestigasyon sa dalawang miyembro ng gabinete na kompirmadong sangkot sa katiwalian.
Hindi pinangalanan ni Belgica ang dalawang miyembro ng gabinete.
Ani Belgica , isinumite niya ang full report sa Office of the President bago mag- Undas.
Bahala na aniya si Pangulong Duterte na mag-anunsiyo ng pangalan dalawang cabinet members. Bukod dito, inihayag din ni Belgica na may undersecretary at assistant secretary din silang sinisiyasat na may kinalaman sa labis na pagbiyahe-biyahe sa labas ng bansa. ni
(ROSE NOVENARIO)