Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rodrigo Dutete Bong Go
Rodrigo Dutete Bong Go

 Duterte workaholic — Bong Go

WORKAHOLIC si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte kaya hindi sinunod ang payo ng mga doktor na magpahinga muna.

Ito ang sinabi ng kanyang longtime aide at ngayo’y Sen. Christopher “Bong” Go sa panayam kahapon sa Palasyo.

Bagama’t nasa Davao City aniya si  Pangulong Duterte, hindi nanga­ngahulugan na hindi siya nagtatrabaho.

Sa katunayan, ani Go, bukas ay magpu­pun­ta sila sa North Cota­bato ni Pangulong Duter­te para personal na hara­pin, pakinggan at kausa­pin ang ilang grupo ng magsasaka roon na may mga hinaing.

Ayon kay Go, kahit nasa kaniyang tahanan sa Davao City ang pangulo, ‘pag nakaisip ito ay biglang magyayaya na pumunta sila sa ilang bahagi ng Mindanao para personal na tingnan ang sitwasyon ng mga sun­dalo sa mga kampo o bumisita sa mga batang may sakit at walang makapipigil sa kanya.

Sa susunod na linggo ay balik-palasyo na si Pangulong Duterte at dadalo sa mga naka­linyang aktibidad at public appearances.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …