AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumali sa 2022 presidential derby ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito ang nakasaad sa press release na inilabas ng Presidential News Desk (PND) kahapon kaugnay sa talumpati ng Pangulo sa birthday party ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kamakalawa ng gabi sa San Juan City.
Sa naturang okasyon, tiniyak ng Pangulo sa kanyang mga kaalyado sa politika na susuportahan niya ang kahit na sinong presidential candidate pero hindi niya aayudahan si Sara.
“The President assured his political allies during the occasion that he would throw his support to any politician who plans to run for the presidency in 2022,” sabi sa PND press release.
“Considering the rigors of being the country’s chief executive, the President said he does not want his daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio, to vie for the top post.”
Iginiit din ng Pangulo na hindi niya iimpluwensiyahan o pakikialaman ang term sharing nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Velasco.
Ipinauubaya ng Pangulo sa Kongreso ang pagresolba ng kanilang internal na usapin.
Kabilang sa mga dumalo sa okasyon ay sina Public Works and Highways Sec. Mark Villar, Communications Sec. Martin Andanar, Ramon Ang, at Senators Christopher Lawrence “Bong” Go, Manny Pacquiao, at Aquilino “Koko” Pimentel III.
(ROSE NOVENARIO)