NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang lahat ng ‘hilig’ ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa kanilang pag-uusap ni Pangulong Duterte noong Sabado, tiniyak ng Punong Ehekutibo na ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ni Robredo sa ikatatagumpay ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.
“Sabi niya ibibigay ko sa kanya bahala na siya kung anong gusto niya, basta siya ang on top of the situation there,” ani Panelo.
Kahit ang mga pagbabagong nais ipatupad ni Robredo sa kampanya laban sa illegal drugs ay papayagan ng Pangulo.
Hindi aniya ipagkakait ng Pangulo kahit ang budget na hirit ni Robredo bilang drug czar o para sa Inter Agency Committe Against Drugs (ICAD).
(ROSE NOVENARIO)