TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ng kanyang mga kaibigan, pamilya at doktor na magpahinga muna.
Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, biglang pagbawi sa nauna niyang pahayag na pumayag ang Pangulo na magpahinga sa loob ng tatlong araw.
Lilipad ngayong gabi patungong Davao ang Pangulo pagkagaling sa burol ng namapayapang si John Gokongwei, Jr., sa Heritage at ipagpapatuloy ang trabaho sa kanilang tahanan.
Ani Panelo, “While the demands of pressing work that go along with the highest position of the land are unceasing, the people can rest assured that the President can keep up with the same and is in the best position to know how he can maintain to be on top of his health.”
Nauna rito, inihayag ni Panelo na tatlong araw magpapahinga ang Pangulo at itinalaga si Secretary
Executive Secretary Salvador Medialdea bilang caretaker ng gobyerno habang nasa bakasyon.
Ang tatlong araw na bakasyon ng Pangulo ay magtatapos sana sa Huwebes.
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing kahapon sa Palasyo.
Inilinaw ni Panelo na walang iniindang karamdaman ang Pangulo at ang tatlong araw na pagliban sa trabaho ay para makapagpahinga nang husto.
“Rest lang ‘yun, parang pahinga lang sa kanya,” ani Panelo.
Ayon kay Panelo, pinakinggan ng Pangulo ang payo ng kanyang mga kaibigan, pamilya at doktor na magpahinga muna.
Sa Davao lamang aniya mananatili ang Pangulo kasama ang kanyang pamilya.
Itinalaga ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang caretaker ng gobyerno habang nasa bakasyon.
(ROSE NOVENARIO)