WALANG nakikitang masama ang Palasyo sa isinasagawang “crackdown” ng mga awtoridad laban sa mga aktibista.
“The government policy is always to investigate complaints on criminal activities and if they have evidence, then they will take actions,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Giit ni Panelo, kung may mga ebidensiyang nagpapakita na sangkot sila sa krimen, okey lang na manmanan ng mga pulis ang mga tanggapan ng mga maka-kaliwang grupo.
“Well, if the evidence shows that they have been engaged in criminal activities. That’s supposed to be the duty of the police security, if they have basis for surveillance,” ani Panelo.
Matatandaan, sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga pulis ang mga tanggapan ng Bayan Muna, Kilusang Mayo Uno, Gabriela, National Federation of Sugar Workers, noong nakalipas na 31 Oktubre sa Bacolod City at inaresto ang may 42 katao dahil sila umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Kamakalawa, iniutos ng Bacolod City Prosecutor’s Office na palayain ang 31 sa kanila dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya na sila’y kasapi ng NPA.
Noong nakalipas na Martes, 5 Nobyembre, tatlong aktibista ang dinakip ng mga pulis nang magsagawa ng raid sa tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo, Maynila.
ni ROSE NOVENARIO