Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug czar Leni tinanggap ng Palasyo

WELCOME back to the Cabinet.

Ito ang reaksiyon ng Palasyo sa pagtanggap ni Vice President Leni Robredo  bilang drug czar ng administrasyon o Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang unang dapat gawin ni Robredo ay mag­tungo sa Palasyo upang makipagpulong para malaman ang kan­yang mga tungkulin bilang drug czar ng administrasyon.

“I think the next step is for her to go to the Palace and talk to the President so she would know exactly the para­meters of her power as the drug czar,” ani Panelo.

Giit ni Panelo, ang pagpayag ni Robredo na maging drug czar ay patunay na mas matalino siya sa kanyang mga kasa­mahan sa oposisyon na ayaw siyang magta­gumpay sa pagsisilbi sa bayan.

“Her acceptance shows she is smarter than her colleagues in the opposition who do not want her to succeed in serving the people,” dagdag ni Panelo.

Mas makabubuti aniya na sundin ni Robre­do ang kanyang kutob bilang ina at abogado.

“She is finally her own person. She is much better off listening to her own instincts as a mother and a lawyer,” dagdag ni Panelo.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …