ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang drug czar o co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, cabinet rank ang posisyon na ibinigay ni Pangulong Duterte kay Robredo pero wala pang sagot ang bise- presidente kung tinatanggap ang bagong posisyon sa administrasyon.
Inatasan ng Pangulo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), at Dangerous Drugs Board (DDB) na makipagtulungan kay Robredo sa pagganap sa kanyang tungkuling bilang drug czar hanggang 30 Hunyo 2022.
Umaasa ang Palasyo na makikita ng mga kritiko ng Pangulo ang kanyang sinseridad sa ginawa niyang opisyal na pagtalaga kay Robredo bilang drug czar.
Giit ni Panelo, ang naturang hakbang ng Pangulo ay para sa kapakanan ng mga Pinoy at maging matagumpay ang anti-illegal drugs campaign kahit sino pa ang mamuno nito.
ni ROSE NOVENARIO