Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric, nanginig nang luhuran ni Sheryl

ANG Magkaagaw ang maituturing na biggest break ni Jeric Gonzales sa showbiz.

“Opo, first po talaga! Na ako lang ‘yung lalaki!”

Pinag-aagawan si Jio (Jeric) nina Veron (Sheryl Cruz) at Clarisse (Klea Pineda) sa nabanggit na GMA Afternoon Prime series.

Daring na rin si Jeric ngayon, bukod sa mapangahas na lovescenes nila ni Sheryl ay pinag-uusapan din ang sexy pictorial niya, in his underwear, bilang pinakabagong Bench endorser.

Kasi rito na rin po talaga papunta. And then ito rin naman talaga ‘yung ginagawa ko ngayon, ibini-build ko ‘yung body ko, pinagaganda ko siya kasi ayun, napunta na ako sa Bench, nag-Bench Body na ako.”

At dahil nga mas gumanda na ang katawan ni Jeric, asahang mas madaragdagan pa ang mga shirtless scene niya sa serye.

Kaya nga mas lalo pang kinakarir ni Jeric ang pagwo-workout at diet.

Iyon talaga ang ginagawa ko kasi anytime rito sa mga eksena, hindi ko alam kung ano ang mangyayari, kung ano ang ipagagawa sa akin ni Veron, kung ano ang gagawin namin,” at natawa si Jeric. “So, kailangan ready  ako.

“Kaya ‘pag walang taping, gym, talagang gym, gym, gym, workout, tapos strict diet.”

Sa taping ay hindi na siya kumakain kahit hatinggabi.

Kasi ‘pag napupuyat ka siyempre kailangan mong kumain ng happy food, ‘di ba, kapag puyat, stressed, ‘di ba, so nagbabaon talaga ako ng fruits tapos may sarili akong pagkain, chicken, ganoon, fish.”

Halos araw-araw sa gym si Jeric.

“‘Pag kaya, pumupunta talaga ako sa gym, pero marami na kasi akong ginagawa parang, iba-ibang program siya.

“Like nagba-boxing ako, Muay Thai ang sports ko.”

Sa tunay na buhay ba ay puwedeng umibig si Jeric sa isang babaeng mas matanda sa kanya?

Oo naman po. Puwede naman. Pero hindi ko po siguro ma-imagine na sobrang laki ng age gap, siguro five or ten years puwede.

“Kaya nga noong ginawa namin itong ‘Magkaagaw,’ challenge talaga sa akin kasi I respect Miss Sheryl so much, na to the point na sabi ni direk, ‘Tanggalin mo ‘yan, tanggalin mo ‘yang respect na ‘yan! Hindi mo puwedeng gawin ‘yan.’

“Parang ganoon. So paano?

“Kasi, sweet ako kay Miss She, nirerespeto ko siya, so iyon kaya nagkaroon kami ng sensuality workshop.”

May kontrobersiyal na eksena sila na “lumuhod” si Sheryl sa harapan ni Jeric.

Hindi ko na rin alam kung paano ko nagawa ‘yung eksena na ‘yun,” at natawa si Jeric habang namumula.

Siguro iyon ‘yung sinasabi ko na before and after, nagse-shake pa rin ako kasi hindi ko alam kung ano ‘yung kaba na nararamdaman ko since first time.

“Kasi ‘yung eksena parang nilalabanan ko siya. Nilalabanan ko ‘yung… I mean nilalaban ko kasi faithful ako sa asawa ko, pero dahil iba siya, iba siya sa asawa ko, lalaki lang ako so…

“So kaya dapat po panoorin talaga.”

Sa direksiyon ni Gil TejadaJr., kasama rin dito sina Sunshine Dizon, Polo Ravales, Dion Ignacio, Dennis Padilla, Lovely Abella, Isay Alvarez, Patricia Tumulak, at Joanna Marie Tan.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …