NOONG October 23, nagbukas na sa mga sinehan ang movie ni Sarah Geronimo mula sa Viva, ang Unforgettable. Sa unang araw nito sa takilya ay kumita ito ng P5.1-M. Mahina ito para sa isang Sarah movie dahil sikat na sikat siya. Dapat ay double digit ang nakuha nito sa opening gross.
Tinalo pa ng movie ni Kim Molina na Jowable ang Unforgettable na noong nagbukas sa mga sinehan noong September 25, ay kumita ng P6-M.
O ‘di ba, isang Kim Molina na hindi naman sikat ay tinalo pa ang kinita ng movie ni Sarah?
Anong nangyari sa libo-libong tagahanga ng Pop Princess? Bakit hindi sila lumusob sa mga sinehan para panoorin ang pelikula ng kanilang idolo?
Showing pa rin ang Unforgettable. Hindi lang namin alam kung magkano na ang kinikita nito. Pero sigurado naman kami na nadagdagan. ‘Yun nga lang, hindi kami sure kung malaki ang nadagdag.
Pero sana makatulong ang magagandang reviews/feedback sa pelikula at sa akting ni Sarah na napakahusay daw bilang si Jasmine na may autism spectrum disorder (ASD) para mas panoorin ito ng tao lalo na ng kanyang mga tagahanga. Kami nga naengganyong panoorin ito. Gusto naming ma-witness kung gaano kaganda ang pelikula at kung gaano kagaling si Sarah.
MA at PA
ni Rommel Placente