Monday , December 23 2024

ASEAN dapat magkaisa (Hindi China o US) — Duterte

NANAWAGAN si Pangu­long Rodrigo sa mga lider ng mga ban­sang kasapi ng As­sociation of Southeast Asian Nations (Asean) na huwag pumili o mapilitang mamili kung sino sa China o Amerika ang kakam­pihan.

Sa kanyang talum­pati sa 35th Asean Sum­mit Plenary sa Thailand kamakalawa ng gabi, tinukoy ni Pangulong Duterte bilang “stra­tegic mistake” ng mga sinundan niyang mga administrasyon ang pagkiling sa Amerika kaya itinutuwid niya ito sa pamamagitan ng kanyang ipinatutupad na independent foreign policy.

Tinalakay rin ng Pangulo ang umiiral na bagong regional land­scape na kumikilala sa paglakas ng China sa mundong dinodo­minahan ng Amerika.

Matatandaan na isa sa pangunahing isyu laban sa Pangulo ang pakikipagmabutihan niya sa China at pagdistansya niya sa US na taliwas sa naging patakarang pro-Amerika ng mga sinun­dan niyang adminis­trasyon.

Sinabi rin ng Pangulo na bilang country coordinator ng ASEAN at China, gagawin ng Filipi­nas ang lahat ng maka­kaya upang magkaroon ng konklusyon ang mga dialogo para sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea sa lalong madaling pana­hon.

Para mapagta­gum­payan ang isinusulong na COC, kailangan aniyang panatilihin ng ASEAN ang isang environment na bukas sa negosasyon at kom­promiso.

Iginiit ng Pangulo, dapat maresolba ang isyu sa mapayapang paraan alinsunod sa international law, kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kailangan aniyang magkaisa ang ASEAN, at hikayatin ang lahat ng concerned parties na magpatupad ng self- restraint at iwasan ang mga aksiyon na mag­dudulot pa ng kompli­kasyon sa kasalukuyang sitwasyon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *