Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, ‘di raw kayang ilugmok ng kontrobersiya

IPINAGMAMALAKI ni Julia Barretto na sa kabila ng kanyang pangit na imahe dulot ng inasal niya sa burol ng kanyang Lolo Pikey (o Miguel, ama ng kanyang inang si Marjorie), hindi ‘yon nakaapekto sa kanyang career.

Sa katunayan pa nga raw, mayroon siyang series sa iWant kasama si Tony Labrusca.

Ibig lang sabihin nito, patuloy pa rin siyang pinagkakatiwalaan ng kanyang mother network kesehoda kung ipinairal niya ang kawalan ng kagandahang-asal lalo na sa kanyang tiyahing si Claudine Barretto.

Take note na nang mainterbyu si Julia tungkol sa kanyang TV series ay ginagawa na niya ‘yon, which means bago pa man nasawi ang kanyang lolo ay may offer na siyang poject. At nasimulan na even before nagkagulo-gulo silang mag-anak sa lamay.

Anong sinasabi ni Julia na “God is good”? Oo, talaga namang mabait ang nasa Itaas, pero pagkatapos niyang gawin at maipalabas ang TV series ay dagsain pa kaya siya ng offers?

Unang-una, buwag na ang tambalan nila ni Joshua Garcia so, imposibleng bigyan sila ng project together. Kanino itatambal si Julia, kay Gerald Anderson?

Eh, ‘di para na ring sisuportahan ng ABS-CBN ang rumored loveteam nila kapag nagkataon, na malayong mangyari.

Huwag nang papaniwalain ni Julia ang kanyang sarili na makababawi siya mula mismo sa inasal niya, ‘no!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …