IMBES mapikon, naaliw ang Palasyo sa pagbebenta ng US-based online shopping platform Amazon ng Duterte-inspired Halloween masks.
“That means he has arrived. Can you imagine, (he’s) trending all over the world. Talagang tinatakot ‘yung mga kriminal,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.
“‘Di ba ganyan naman ang tingin pag ikaw ay nagiging topic ng lahat, niloloko ka, pinupuri ka, ibig sabihin you have arrived, otherwise, hindi ka papansinin,” dagdag niya.
Ang Halloween mask na gawa sa goma ay may sukat na 11.1 x 10.9 x 3.4 inches at may timbang na 5.6 ounces ay ipinagbibili ng Amazon sa halagang 32.99 dolyares.
ni ROSE NOVENARIO