Monday , December 23 2024

Para hindi puro dada… VP Leni kursunadang drug czar ni Duterte

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na maging drug czar para patunayan ang kanyang mga suhestiyon sa pag­susulong ng drug war sa bansa.

“I do not surrender anything. I said if she wants, I can commission her to be the drug czar,” anang Pangulo sa pana­yam ng media kahapon sa Palasyo.

Anang Pangulo, pa­nay ang batikos ni Ro­bredo sa drug war kaya’t iniaalok niya na pamu­nuan ng kasalukuyang Bise Presidente ang anti-illegal drugs campaign ng kanyang administrasyon sa loob ng anim na buwan.

“Marami man siyang reklamo doon sa labas, o sige sabi niya you have to redirect your — or whatever parang…ngayon mas marunong ka man sa akin I’ll hand in to you, full powers sa drugs. I’ll give you six months. Tingnan natin kung kaya mo,” giit ng Pangulo.

Hihintayin ng Pangulo ang pagpayag ni Robredo sa kanyang hamon at agad na padadalhan ng sulat na nagtatalaga sa Bise Presidente bilang drug czar ng kanyang administrasyon sa loob ng anim na buwan.

“I am sending a letter to her to ES Medialdea, I will surender the power to enforce the law, ibigay ko sa VP, ibigay ko sa kanya, mga six months. Siya ang magdala, tingnan natin kung anong mangyari. Mas bright ka? Ikaw subukan mo,” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito, tinawag ni Presidential Spoke­s­man Salvador Panelo na “divorced from reality” si Robredo dahil sa mga pinagsasabi hinggil sa drug war at kailangan kilalanin muna ng China na mayroong soberanya ang Filipinas sa West Philippine Sea (WPS) bago ituloy ang joint oil exploration deal ng China at Filipinas sa naturang lugar.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *