Monday , December 23 2024

Concessionaires paiimbestigahan… 2 senador duda sa ‘water shortage’

DUDA ang dalawang senador sa nara­ranasang krisis sa tubig kaya nais nila itong paiimbestigahan.

Sa panayam ng HATAW, kay Senator Christopher “Bong” Go hindi tamang ipasa sa mga mamamayan ang sinasabing problema sa supply ng tubig lalo na’t pumasok ang Manila Water at Maynilad sa kontrata sa gobyerno sa serbisyo sa tubig.

Ganito rin ang pana­naw ni Senator Imee Mar­cos na pinaalalahanan ang Maynilad at Manila Water na dapat paghandaan ang krisis sa tubig para hindi naaapektohan ang consumers.

Ani Go, ang nara­ranasang krisis sa tubig ng 15.5 milyong kostumer ng Maynilad at Manila Water sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ay hindi makatarungan.

Kailangan aniya ang kagyat na pagrepaso sa mga kontrata ng dala­wang water concessionaire at kung may mga pagla­bag ay sampahan ng kau­kulang kaso.

Aabot hanggang 15 oras kada araw ang ma­wa­walang ng tubig simu­la kahapon na posibleng tumagal hanggang sa susunod na taon.

Matatandaan noong nakalipas na Marso ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mag-release ng tubig mula sa Angat Dam na tatagal ng 150-araw supply para tugu­nan ang water crisis na naranasan ng Manila Water customers.

Nauna rito’y naghi­nala ang Palasyo na artipisyal ang water shortage na naranasan ng mga kliyente ng Manila Water sa ilang bahagi ng Metro Manila, Rizal at Cavite.

Noong nakaraang Abril, pinatawan ng MWSS ng P1.15 bilyong multa ang Manila Water dahil sa krisis sa tubig na naranasan ng kanilang mga kostumer.

ni ROSE NOVENARIO

MAYNILAD,
MANILA WATER
DAPAT
IMBESTIGAHAN
— IMEE

PINAALALAHANAN ni Senator Imee Marcos ang Maynilad at Manila Water na dapat paghandaan ang krisis sa tubig para hindi naaapektohan ang consumers.

Pahayag ito ni Marcos sa anunsiyo ng dalawang water concessionaires sa ipapatupad nilang rotational service inter­ruptions simula ngayon araw.

Ayon sa senadora, mas mahihirapan ang mahihirap at maliliit na negosyo tulad ng karin­derya dahil sa aberya sa supply ng tubig.

Paalala ni Marcos, minsan nang napag­sabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang water concessionaires dahil sa mga kapalpakan sa serbisyo.

Unang nagbanta ang Pangulong Duterte na tatapusin ang kasunduan sa dalawang water dis­tributors kapag hindi inaksiyonan ang krisis sa tubig nitong nakalipas na panahon ng tag-init.

Banggit ni Marcos, binabalak niya na ihirit sa Senado na maimbesti­gahan ang concession agreements ng Maynilad at Manila Water.

Tinatayang 15 milyon consumers sa Metro Manila, Rizal, Cavite, at Bulacan ang apektado sa aberya sa suplay ng tubig.

(CYNTHIA MARTIN)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *