Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yasmien, sunod-sunod ang pagkapanalo sa Star Awards

SI Yasmien Kurdi ang itinanghal na Best Single Performance by An Actress sa katatapos na 33rd PMPC Star Awards For TV na ginanap noong Linggo, October 13 sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo Manila.

Ito ay dahil sa mahusay na pagganap niya bilang si Yolly, isang OFW na ni-rape ng mga pulis sa Saudi Arabia. Tinalo niya sina Shaina Magdayao, Agot Isidro, Amy Austria, Irma Adlawan, Janice De Belen, Joanna Ampil, Mary Joy Apostol, at Shaina Magdayao.

Last year ay si Yasmien ang wagi bilang Best Drama Actress para sa defunct series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na gumanap siya bilang AIDS carrier. O ‘di ba, dalawang magkasunod na taon nanalo si Yasmien sa Star Awards for TV sa magkaibang kategorya nga lang.

Mahusay naman kasing artista si Yasmien, kaya hindi kataka-taka kung nananalo man siya ng acting award.

Sa kanyang acceptance speech, ay hindi niya nakalimutang pasalamatan ang Kapuso Network sa walang sawang pagsuporta nito sa kanyang career, sa pagbibigay sa kanya ng magagandang role at serye. Siyempre, pinasalamatan din ni Yasmien ang kanyang mister na si Rey, na nagsisilbing inspirasyon niya para mas husayan niya ang kanyang pagganap.

To Yasmien, our congratulations.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …