GINARANTIYAHAN ni Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maglulunsad ng crackdown ang kanyang pamahalaan laban sa undocumented Pinoy workers.
“Secretary Bello is working on an agreement na kayong nandito staying — overstaying or have had problems, there will be — they will be covered with an understanding,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Russia kamakalawa ng gabi.
Nanawagan ang Pangulo sa 10,000 Pinoy sa Russia na maglaan ng oras para i-renew ang kanilang pasaporte at mag-apply para sa kanilang legal status doon.
“Ang aking prayer lang is just abide by the laws of Russia. Sumunod lang kayo sa batas at wala tayong problema. So kayo lahat dito 10,000, wala tayong record ng kalokohan o ano,” aniya.
“I’m pleading na huwag kayong gumawa. Do not do anything that will jeopardize the relation at maging masama ang tingin nila sa atin. Obey the laws. Follow the procedure,” dagdag ng Pangulo.
ni ROSE NOVENARIO