INILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang heneral na sangkot sa illegal drugs kundi colonel lamang.
Ang paglilinaw ay ginawa ng Pangulo sa kanyang media interview sa Davao City kahapon nang dumating siya mula sa Russia.
“Alam mo I must admit my ignorance actually. Iyong ranggo kasi no’ng nauso ‘yang sup-sup, superintendent tapos kung ano-anong… Kaya sa panahon ko sabi ko bumalik kayo roon sa police colonel, police major, police lieutenant, kasi pati lahat ng tao nalilito ‘yang sup-sup na ‘yan. Superintendent pala ‘yan e. E sa Bisaya ‘yang sup-sup is sucking — ice drops,” sabi niya.
“Wala, walang generals. I’m sure of that. Sa aking report na dumating sa akin, wala. Parang — colonel I think. Nalilito kasi ako riyan sa superintendent-superintendent na ‘yan kasi ang alam ko lang superintendent ‘yung superintendent ng eskuwelahan,” dagdag ng Pangulo.
Matatandaan noong Huwebes ay sinabi niya sa kanyang talumpati sa Russia na may dalawang heneral na sabit sa illegal drugs.
Hindi aniya nawawala ang kompiyansa niya kay PNP chief General Oscar Albayalde at kailangan niya ng matibay na ebidensiya para maniwalasa mga paratang sa heneral na sangkot umano siya sa ninja cops.
(ROSE NOVENARIO)