Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 generals, ‘ninja cops’ binantaan ni Digong (Maghanda pagbalik sa PH)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutuldukan niya ang korupsiyon sa pulisya sa natitirang mahigit dala­wang taon ng kanyang administrasyon.

“Pero anyway, before I — ito igarantiya. Before my term ends, I have two years and so many months left. Ubusin ko talaga itong mga p***** i** na ‘to,” aniya sa talum­pati sa harap ng Filipino community sa Russia kamakalawa ng gabi.

Nagbabala ang Pangulo sa tinaguriang ‘ninja cops’ na uupakan sila pagbalik niya sa Filipinas.

“Meron akong ninja ngayon pag-uwi ko talagang upakan ko itong mga p**** i**** pulis na ‘to. Ay… ‘Yang tawag nilang ninja. ‘Yung talagang nagdodroga ang mga g***. They are now — they are now or they were identified and well, tapos na ang Congress nag-investigate,” dagdag niya.

Nauna rito’y isiniwa­lat ng Pangulo na may dalawang heneral na sangkot sa illegal drugs.

“And right now, even as I fly here and go back. There are about again two generals who are still playing with drugs. And I said, ‘Well, I told you do not destroy my country because it is being flooded with drugs’,” ani Duterte sa forum ng  Valdai Discussion Club sa Sochi.

Kahapon, binawi ng Pangulo na may sangkot na generals.

Aniya nalito lang siya sa superintendent, Colo­nel lang pala iyon at hindi general.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …