Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Javi Benitez, kinabahan sa halik ni Sue

FIRST movie pa lang ni Javi Benitez ang action film na Kid Alpha One mula sa Brightlights Production, pero bida na agad siya.

“I knew I had to double or tripple the effort. And siyempre, I don’t take it lightly. Alam kong maraming… you know..gustong magbida sa action. Ang ginawa ko talaga really..ahh..trained. And kinausap ko si Direk (Richard Somes- direktor ng ‘Kid Alpha One’), kailangang magpa-work shop. Ang ginawa namin ‘yun. And dedication to the craft, na napakaimportante,” sabi ni Javi.

Anong training or preparation ang ginawa niya bago sumalang sa shooting?

“Laging may weights.  Laging may Filipino martial arts, may gun training. So I spend time with the range.”

Natutuwa si Javi na action ang nagsilbing launching movie niya. Hilig niya kasi ang mga action film.

“Bata pa lang ako, I’m a huge fan of action movies. I’m very happy na today ang dami kong natututuhan at nag-mature na ako as an actor.”

Si Sue Ramirez ang kapareha ni Javi sa Kid Alpha One. Ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho ang dalawa. May kissing scene sila sa pelikula.

“This is my first work, so with the kissing scene, medyo kinabahan. Pero she made it easy for me,” sabi ni Javi tungkol sa kissing scene nila ni Sue.

Single ngayon si Javi gayundin si Sue. May posibilidad bang mapunta sa totohanan ang tambalan nila?

“I have so much respect for Sue, as a colleague and as a friend. I think it’s important for her to take time and self-love. Ayun muna. I cherish our friendship,” sagot ni Javi.

Si Javi ay anak ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez. Ang ama ang nagbigay sa kanya ng go-signal para pasukin ang showbiz with a reminder na, “If you like it, stay. If you don’t, go back to the corporate world.”

Nagtatrabaho kasi before sa corporate world si Javi. Pero mas pinili niya ang mundo ng showbiz.

“I don’t think I will go back to the corporate world. I feel that showbiz is my world. I think I’m here to stay.”

Nakausap namin si Javi nang maimbitahan kami sa set vist ng pelikula kamakailan. At humanga kami sa kanya, dahil nang mapanood namin siya sa isang eksena ay hindi siya nagpa-double. Kasehodang gumulong-gulong siya sa putik, madumihan at masugatan.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …