SOBRANG kapal pa sa semento o bakal ang mukha nitong may-ari ng flying school na nakatirik sa bahagi ng Dr. Santos Ave., Sucat, Parañaque City. Kay tagal na ayaw magbayad ng renta sa lupang kinatitirikan ng iskul, kaya sinampahan ng kasong ejectment ng may-ari ng lote na nasa MTC na ng lungsod.
***
Ang nakapagtataka, walang bayad sa renta wala pang business permit ang flying school na dapat aksiyonan ng pamahalaang lokal ng nasabing lungsod… Anyare Mrs. BPLO? Bakit hanggang ngayon wala pang closure order? Naiipit ka ba sa problema? Kanino?
Kitang-kita no permit to operate, walang closure order? Kanino kayo naawa, sa 500 estudyante ng flying school o sa Cilinel na may-ari ng flying school dahil tama ba ang naamoy ko? Sana mali ang nalalanghap ko…
***
Naaawa kayo sa mga estudyante, ‘di kayo naawa sa may-ari ng lote na nagbabayad ng real property tax? Dapat ‘di pala magbayad ng RPT ang may-ari ng lote para may closure order agad ang flying school!
Bakit ang tindahan ‘pag walang business permit agad-agad ipinapasara ninyo?
Bakit itong flying school ‘di ninyo maipasara na isang delingkuwenteng negosyante? Hintayin mo Col. Ungas at Mrs. BPLO at nagpatawag na ng presscon ang may-ari ng lote.
Sikat kayo niyan!
Abangan.
ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata