NANINIWALA ang Malacañang na walang epekto sa ekonomiya ng bansa ang pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loans at grants ng 18 bansa na sumuporta sa resolution ng Iceland na imbestigahan ang drug war ng administrasyon.
“There are other bilateral partners and institutions, and other countries outside of the 18 offering the same and no better rates than these countries. Madaling sabi, walang epekto sa atin,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing kahapon.
“It will not dramatically, even slightly I think, impact on our economy,” dagdag niya.
Ayon kay Panelo, sa 18 bansa na umayuda sa Iceland resolution, ang United Kingdom lamang ang may 21 milyong euro loan offer sa Filipinas.
(ROSE NOVENARIO)