Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jean, handa ring magbuyangyang at makipaghalikan sa mas batang aktor

TINANONG namin si Jean Garcia kung kaya ba niya ang isang pelikulang mala- Glorious (nina Angel Aquino at Tony Labrusca) o Just A Stranger (nina Anne Curtis at Marco Gumabao) na isang sexy May-December love story? Kaya ba niyang makipag-lovescene at torrid kissing scene sa pelikula sa isang much younger male actor?

“Hindi ko alam, dyusko! Ano ba ‘yan kung kailan naman tumanda ako,” umpisang bulalas ni Jean.

Uso at kumikita ngayon ang mga ganitong genre ng pelikula.

“Hindi ko alam, hindi ko alam, tingnan natin, ‘pag may magandang script siguro.”

Papayag siya?

“Puwede naman, siyempre artista ka, iko-consider mo rin siyempre lahat ng mga character na puwede mong gawin.

“Kita mo nga ngayon, nag-hired killer na ako, hired assassin, ‘di ba?”

Bida si Jean sa Watch Me Kill na isa siyang mamamatay-tao. Entry ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino at At napapanood na sa mga sinehan sa kasalukuyan.

Graded B ng CEB, ang pelikula at nag-iisang Pinoy film na naimbitahan sa Warsaw International Film Festival 2019 (sa Poland) ngayong October.

Going back sa May-December movie, bagay naman kay Jean dahil hot mama naman siya at seksing-seksi pa rin hanggang ngayon at the age of 50.

Sino sa mga young actor ang sa tingin ni Jean ay uubrang maging leading man niya?

“Hindi ko alam, hindi ako casting director, sila kausapin nyo,” ang tawa ng tawang sagot si Jean.

“Seriously, hindi ko alam, eh. Sino bang artista na ano? At saka kasi hindi ko naman naisip, even sa sarili ko na gagawa ako ng pelikulang ganyan.

“Pero alam mo nakatutuwa kasi open na ang audience natin ngayon sa mga konsepto na medyo kakaiba, na edgy.”

Nagbanggit kami kay Jean ng mga pangalan na puwede niyang makapareha at nagbigay siya ng komento.

“Naku, baka may mga magalit ha,” ang tumatawang reaksoyon ni Jean nang banggitin namin ang pangalan ni Gerald Anderson. “Hindi, loko lang!

“Puwede naman sige, basta kung sino ang gusto ninyo, go,” ang tumatawang pagsakay pa ni Jean sa pangungulit namin sa kanya.

Binanggit naman namin ang pangalan ng Beautiful Justice leading man na si Derrick Monasterio.

“Dyusko naman, ano ba ‘yan, pabata naman ng pabata!”

Nababataan din si Jean kay Daniel Padilla para maging kapareha niya nang mabanggit ang pangalan ng anak ni Karla Estrada.

Binanggit din namin ang mga pangalan nina Joshua Garcia, Carlo Aquino, Kiko Estrada, at Tom Rodriguez.

“Basta bahala kayo kung sino ang gusto ninyo,” ang pang-ookray na sagot pa rin ni Jean sa amin.

Bahala na lang ang producer kung sakaling gagawa nga siya ng isang pelikula na ganoon ang tema.

Mapapanood din si Jean sa The Gift ng GMA na pinagbibidahan ni Alden Richards. Gaganap si Jean sa The Gift bilang si Nadia na mapapanood sa GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …