Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
OFW

OFW department kompiyansang maisasabatas

NANINIWALA si Pre­sidential Communi­cations Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na maisasabatas ang pagkakaroon ng Department of OFW bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Pahayag ito ni Anda­nar sa gitna ng target ng Duterte Administration, na magkaroon ng marami pang mga batas na ang magbebenepisyo ay mayorya ng mga Filipino sa kategoryang “those who have less in life.”

Ayon kay Andanar, bukod sa mga OFW ay marami pang panukalang batas ang nakalinyang ipursigi ng pamahalaan na maipasa at maging batas na pawang pro-poor.

Inihayag ng kalihim, sa nalalabing mahigit dalawang taon ng Pangu­long Duterte sa poder, ay lalong nagdodoble kayod bagama’t maraming ba­tas ang pinagtibay sa ilalim ng kanyang admi­nis­trasyon, na ngayon ay napapakinabangan at pakikinabangan pa ng mahihirap nating kaba­bayan.

Halimbawa aniya rito ang kalalagdang Murang Kuryente bill, free tuition at iba pa.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …