‘BINULAG’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Defense Secretary Delfin Lorenzana nang pumirma sa joint venture agreement na nagpahintulot sa China-linked telco firm na magtayo ng pasilidad sa mga kampo militar sa bansa.
“The DND Secretary texted me about it and he said he doesn’t know anything about it and he is going to investigate and ask the concerned people involved in the deal so we’ll wait for his findings,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo.
Ang Dito Telecommunity Corp., dating Mislatel consortium ni Duterte crony Dennis Uy at state-run China Telecom para maging third telco player sa Filipinas.
Napaulat na noong nakalipas na 13 Agosto ay lumagda sa kasundun ang AFP at Dito para magtayo ng communication facilities sa mga kampo militar sa bansa.
Tiniyak ni Panelo na kapag nalagay sa peligro ang seguridad ng bansa ay maaaring ibasura ang kasunduan ng AFP at Dito.
(ROSE NOVENARIO)