Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kira Balinger, bilib sa husay ni Sylvia Sanchez

BIGGEST break ng young actress na si Kira Balinger ang pagiging bahagi niya ng seryeng Pamilya Ko na tinatampukan nina Sylvia Sanchez at JM de Guzman. Mataas ang ratings nito at madalas mag-trending dahil marahil sa plot nitong pampamilya at sa husay ng mga nagsisipagganap dito. Kaya naman very vocal ang mga nakapanonood nito na talagang bumabaha ang luha nila sa serye.

Kung pasabog ang first week ng seryeng ito ng Dos, mas kaabang-abang ang mga susunod na pasabog mula nang nabunyag ang isang sekreto na gugulo sa kanilang buhay: may ibang babae ang kanilang amang si Fernan (Joey Marquez).

“I am the sixth child sa Pamilya Mabunga as Lemon,” panimulang kuwento ni Kira.

Nabanggit ni Kira ang kagalakan na muling maka­trabaho ang award-winning actress na si Ms. Sylvia.

“Sobrang saya ko po na naka-work ko rito si Tita Sylvia, I’ve actually worked with Tita Sylvia sa The Greatest Love. So, to be working with her again it’s a huge honor because it’s another learning experience. I get to learn from her again and this time with a closer role. Because sa TGL, love interest ako ni Joshua (Garcia), so wala po ako masyadong eksena kasama si Tita Sylvia. So, ngayon na anak niya po ako, I get to learn more, I get to see how she really acts and connects, so, it’s a huge blessing.”

Ipinahayag din niya ang pagkabilib kay Ms. Sylvia.

“Iyong acting niya po siyempre, grrrrabeeee, hahaha! May diin talaga, ‘no? Kasi, kahit hindi siya umiiyak, kahit wala pang tulo ng luha, tingnan mo pa lang siya ay mararamdaman mo agad iyong gusto niyang ilabas sa karakter niya or sa eksena. Na kahit hindi niya kailangan umiyak sa eksena, pagtingin mo sa kanya ay kayo po ang maiiyak,” saad ni Kira.

Pinuri rin niya ang kabaitan ni Ms. Sylvia. “Sobra pong bait niya, para talagang nanay siya sa amin. Minsan, sisilip siya sa amin, ‘Uy, kain kayo sa tent ko,’ napi-feel po talaga namin ang pagka-mommy niya sa amin. She’s very generous, very kind and she’s very encouraging, she encourage us to do our best and to learn.”

Incidentally, mapapanood din si Kira sa pelikulang G! na showing na ngayon as entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pililipino. Dito’y gumanap siya bilang GF ng bidang si McCoy de Leon na may taning na ang buhay dahil sa cancer. Sa direksiyon ni Dondon Santos, tampok din dito sina Mark Oblea, Paulo Angeles, at Jameson Blake.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …