Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine, naka-relate kaya agad pumayag gawin ang Yours Truly, Shirley

MALAMANG na umaayon si Regine Velasquez-Alcasid sa reincarnation, ‘yung paniniwala ng marami rin namang tao na bumabalik ang kaluluwa ng mga yumao sa ibang katauhan. Tinanggap n’ya ang Yours Truly, Shirley, na ang papel n’ya ay isang 50-anyos na biyuda na naniniwala na ang isang bagets na pop star ay reincarnation ng namatay niyang asawa.

Hindi nilinaw sa briefing sa media kung ‘di pa ipinanganganak ang batang pop star noong yumao ang mister ni Regine sa istorya. Dapat ay ‘di pa naipanganak ang batang singer noong yumao ‘yung mister ni Regine, para posibleng sa sanggol sa sinapupunan ng ina pumasok ang soul ng yumao.

Hindi naman asiwa si Regine na halos lola na ang papel n’ya dahil next year ay golden girl na siya.

Ayon sa festival director at channel head ng Cinema One na si Ronald Arguelles, naka-relate si Regine sa karakter ni Shirley nang mag-present sila sa singer-actress.

Ang Hashtag member na si Rayt Carreon ang napiling gumanap sa role ng pop star. Mabuti naman at light drama-comedy ang pelikula at hindi romance.

Hindi naman para lang ipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan kaya may reincarnation. Pwede rin ‘yon, pero mas may kinalaman ito sa evolution (‘pag-unload) ng kaluluwa kaysa romansa. Spiritual growth ang layon ng reincarnation, kabilang na ang pagsasaayos ng mga relasyong naging masalimuot. Pati na relasyon ng magkakapamilya, magkakamag-anak, magkakasama sa propesyon, o magkakapitbahay.

May reincarnation din ng soulmates na hindi mag-asawa, hindi mag-sweetheart, pero naging malapit sa isa’t isa sa ilang nagdaang-buhay.

Seryosong bagay ang reincarnation, bukod sa pagiging kontrobersiyal, kaya mabuti na light drama-comedy ang treatment sa istorya. Nawa’y may matutuhan ang madlang Pinoy mula sa pelikula na magpapalalim ng kanilang espiritwalidad.

Nasa cast din ng movie sina Elisse Joson, Romnick Sarmenta, at Dennis Padilla. Baguhan ang 28-year-old female director and writer nito na si Nigel Santos.

Sa November 7 to 17 pa ang C1 Originals filmfest, so mauuna muna ang inaaba­ngang back-to-back concert ni Regine with Sharon Cuneta. October 18 & 19 ang Ico­nic sa Araneta Coliseum. (DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …