Saturday , November 16 2024

Sa isyu ng regalo sa lespu… Lacson, trying to be crusader but ignorant — Pres. Duterte

MAHILIG sumakay agad sa mga isyu pero ignorante.

Ganito inilarawan ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te si Sen. Panfilo Lac­scon.

Ayon sa Pangulo, hindi ipinagbabawal sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang pagbibigay ng maliliit na regalo sa mga pulis taliwas sa sinabi ni Lacson na maaaring pagmulan ito ng “insatiable greed” ng mga alagad ng batas.

“When I said that the policemen can accept gifts in gratitude but in small token, I was stating the words of the law. Hindi man nila alam na ano. I can forgive Lacson for coming out with an erroneous tongue,” ani Duterte.

Pinayohan ng Pangu­lo si Lacson na maging maingat sa mga bibita­wang pahayag dahil puwedeng gamitin ito laban sa senador kapag tumakbo muli sa pre­sidential elections.

Matatandaan na natalo si Lacson kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 presidential polls.

“Maybe because he’s not a lawyer. But his penchant to just right away in every issue dito, I think he’s running for President. But I would caution him to be more circumspect because pagdating ng panahon ‘yan, ‘yan ang magagamit ng mga ano niya, mga kalaban niya. Sheer ignorance. Trying to be a crusader but ignorant,” dagdag ng Pangulo.

Binatikos din ng Pangulo si Vice President Leni Robredo sa pagbibi­gay babala sa mga pulis na huwag tumanggap ng mga regalo dahil pag-uugatan ito ng korup­siyon.

Anang Pangulo, masama para sa bansa na magkaroon ng presidente gaya ni Robredo na hindi nagbabasa ng aklat kaugnay sa anti-graft law.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *