Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marco, bagong favorite ng Viva; pagpapakita ng butt, sariling idea

MARCO GUMABAO in, James Reid out. Kasunod ito ng pag-alis ni James sa bakuran ng Viva Films at ang pag-arangkada naman ng career  ni Gumabao.

Si Marco na nga ang sinasabing country’s newest certified heartthrob dahil na rin sa pagtangkilik sa kanya sa Just A Stranger kasama si Anne Curtis.

“Kaibigan ko si James, and it’s sad to see him leave. Matagal na rin kasi siya rito sa Viva. Pero we have to understand also na wala, that’s life talaga. Minsan may mga bagay na doesn’t work out. Ako I wish him well and goodluck sa career niya,” ani James.

Si Marco na rin ang sinasabing apple of the eye ng Viva dahil pagkatapos ng Just A Stranger, mayroon na agad siyang follow-up film, ang dramatic sizzler movie with Lovi Poe and Tony Labrusca, ang In Between Goodbyes.

“If ever that’s the case na I’m the new apple of the eye ng Viva, gagalingan ko na lang sa lahat ng mga project na ibibigay nila sa akin. And of course, mami-miss naming si James dito sa Viva,” giit pa ni Marco.

Kinagiliwan si Marco sa Just A Stranger hindi dahil sa pagpapakita lamang nito ng butt bagkus maging ang galing niyang umarte ay napansin.

Unang nagkaroon ng proyekto si Marco taong 2012 at simula noo’y nagkasunod-sunod na ang paggawa niya ng teleserye. Kasalukuyan siyang napapanood sa Los Bastardos. Pumirma naman siya ng kontrata sa Viva Artists Agency noong 2017 at napasabak agad sa comedy film na Abay Babes kasama si Cristine Reyes at sa romcom na Para Sa Broken Hearted kasama naman si Yassi Pressman.

Kasama rin si Marco sa critically-acclaimed romance-drama na Ulan with Nadine Lustre at sa 2018 MMFF multi-awarded blockbuster horror-thriller na Aurora na rito sila unang nagkasama ni Anne.

Samantala, hanggang sa pagpapakita pa lamang ng puwet ang kaya ni Marco.

“Doon muna tayo. Stay muna tayo sa butt,” ani Marco nang matanong kung may iba pa ba siyang kayang ipakita.

Suggestion pala ni Marco ang magkaroon siya ng butt exposure sa Just A Stranger.

“Parang napapaglokohan kasi namin (pagpapakita ng puwet). Parang kantyawan lang. Pero when we were there sa isang scene, parang I felt na parang mas makakaganda for the project kung gagawin ko,” kuwento ni Marco na hindi naman niya pinaghandaang mabuti ang pagpapakita dahil talagang natural na flawless iyon.

“Actually hindi naman sobrang confident ako sa butt ko. Biglaan lang talaga. Nag-work out lang ako pero, ‘yung upper ko ang wino-work out ko. Pero noong nasa scene na kami, parang may nagbubulong sa akin na, ‘sige ipakita mo na (butt)’ parang it’s the perfect project for a perfect scene. Without hesitation, sinabi ko kay Direk na magpapakita nga ako,” sambit pa ng actor na hindi pala alam ni Anne na gagawin niya iyon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …