Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, hiyang ‘pag in-love

MARAMI ang nakakapansin sa paglaki ng katawan ni Angel Locsin kaya palagi itong nagsusuot ng jacket sa kanyang matagumpay na serye, ang The General’s Daughter. May nagsasabi naman ng pabiro na masarap mag-alaga ang karelasyon nitong young businessman na si Neil Arce.

Sabi ng isang nakatrabaho ni Neil sa kanyang produksiyon, napakasuwerte ni Angel dahil napakaresponsableng lalaki ang pakakasalan nito. “Nakatrabaho na namin siya, kapag may sinabi siya, tinutupad niya.

Huwag na ang sobrang yaman ni Neil, nag-iisang tagapagmana kasi siya ng family nila, hindi ‘yun mauubusan! Kaya nga noong napabalitang mayroon daw siyang malaking pagkakautang, eh, tinawanan lang niya ang balita.”

Kaya naman, walang dapat ipag-alala ang mga tagasuporta ni Angel sa kanyang magiging kinabukasan sa poder ni Neil dahil tiyak magbubuhay reyna ito.

Sa parte naman ni Niel, inamin nitong binago siya ni Angel. Tinuruan siya nitong ingatan ang kalusugan at maging physically fit. Sinunod iyon ni Niel dahil ayaw makitang malungkot ang aktres dahil sa pag-aalala.

Inamin pa nitong sobra niyang mahal ang kanyang fiancee at malaki ang pagpapasalamat na ngayon ay bahagi na ng kanyang buhay ang aktres. (ALEX DATU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …