Monday , December 23 2024
KAHIT basang-basa ang elementary pupils ng Pio del Pilar at Dr. Salvador Celedonio elementary schools mula sa Sta. Mesa at Paco, Maynila, ay nagsigawan at iwinagayway ang hawak nilang mga bandila ng Singapore at Filipinas habang dumaraan ang convoy ni President Hamilah Yacob papasok sa Gate 4 ng Malacañang kahapon. (ROSE NOVENARIO)

Sa Palasyo… Elementary pupils inulan, gininaw sa pagsalubong sa Singapore President

HINAYAAN ng Palasyo na mabasa sa malakas na bugso ng ulan ang halos 100 mag-aaral na pina­hilera sa kalye para salu­bungin si Singapore President Hamilah Yacob habang papasok sa Malacañang kahapon.

Nabatid ang mga mag-aaral ay mula sa Pio del Pilar Elementary School sa Pureza St., Sta. Mesa, Maynila at Dr. Celedonio Salvador Ele­mentary School sa Paco, Maynila.

Bago dumating ang convoy ni Yacob ay big­lang nagdilim ang ulap, hudyat ng malakas na pag-ulan kaya ilang mama­mahayag ang nagsabi sa ilang kagawad ng Presidential Security Group (PSG) na kung maaari ay pasilungin ang mga bata sa apat na tent sa loob ng bakuran ng New Executive Building ngunit tumanggi sila.

Katuwiran ng PSG, ang Presidential Protocol Office ang nagbibjgay ng utos kung ano ang dapat gawin sa mga bata at wala silang natanggap na direktiba na pasilungin ang mga bata.

Ilang saglit lang ay biglang bumuhos ang malakas na ulan pero nanatiling nakahanay ang mga bata sa JP Laurel St., mula Gate 2 hanggang Gate 4 ng Malacañang at hinintay ang pagdaan ni Yacob.

Kahit basang-basa ang mga bata ay nagsi­gawan at iwinagayway ang hawak nilang mga bandila ng Singapore at Filipinas habang duma­raan ang convoy ni Yacob papasok sa Gate 4 ng Malacañang.

Naging kostumbre ng Palasyo na mag-imbita ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Maynila tuwing may panauhing world leader sa Malacañang.

Inabot hanggang 5:45 pm na nakasilong sa mga tolda sa NEB ang mga basang-basa at giniginaw na mag-aaral habang naghihintay ng service vehicle para ihatid sa kanilang mga paaralan.

Sinabi ng ilang nakasaksi sa sinapit ng mga bata, taliwas ito sa umiiral na batas na nagtatakda ng obligasyon ng estado na bigyan ng proteksiyon ang mga bata alinsunod sa Republic Act 7610 o Special Pro­tection of Children Against Abuse, Exploi­tation and Discrimination Act. (R. NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *