Saturday , November 16 2024

Meeting ni Panelo sa Sanchez family, not once, but twice

DALAWANG beses binisita ng pamilya ni convicted rapist-killer at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Mala­cañang noong nakalipas na Pebrero.

Ito ang nakasaad sa logbook ng security guard sa New Executive Buil­ding sa Malacañang Com­plex na kinaroroonan ng Office of the Pre­sidential Spokesman.

Nakatala sa logbook, unang nagpunta si Elvira Sanchez sa opisina ni Panelo noong 07 Pebrero, 10:30 am, at pangalawa noong 26 Pebrero, 10:12 am kasama ang kanyang anak na si Marie Anto­nelvie.

Kinompirma ni Pane­lo, dalawang beses siyang binisita ng mga Sanchez ngunit “official commu­nication” ito at hindi personal.

Kamakalawa ay sina­bi ni Panelo na isang pag­ka­katon lang siya naki­pag-meeting sa mga Sanchez.

Nabunyag sa Senate hearing kamakalawa na nagpagadala ng referal letter sa Board of Pardons and Parole si Panelo para sa hirit na executive clemency ng pamilya Sanchez sa convicted rapist-killer.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *