Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taga-iyak sa burol, kumikita ng P5,000 kada oras

KARAMIHAN ng kinukuha bilang profes­sional mourner ay kababaihan ngunit huwag ismolin dahil kadalasa’y kumikita sila nang mahigit P5,000 kada oras.

Ang totoo, sinasabing ‘unfit’ daw ang mga lalaki sa ganitong propesyon dahil sinasabi ngang ang kalalakihan ay matibay ang dibdib at hindi basta naaapektohan ng kanilang emosyon — hindi tulad ng mga babae.

Ito ang dahilan kung bakit mas tanggap ang mga babae bilang mga professional mourner o tagaiyak sa burol ng yumaong kamaganak o mahal sa buhay.

“It was actually socially acceptable to express grief for women, and expressing grief is important when it comes to mourning a body in terms of religion,” pahayag ng isang nakapanayam sa burol ng isang matanda sa Beijing, China.

Bukod rito, naging kasiyahan ng mga babae na mayroon silang propesyon na puwede silang kumita ng malaki sa legal na pamamaraan.

Isa pa, ikinokonsidera ang pagkakaroon ng ‘mourner’ bilang senyales ng yaman.

“The more wailers or mourners that followed your cascade around, the more respected you were in the society,” dagdag ng isa sa miyembro ng pamilya ng namatayan.

Sa sinaunang Ehipto, ipapakita ng mga mourner ang matinding pagdadalamhati na kinabibilangan ng malakas na hagulhol at iyak at kung minsa’y paglulupasay at pagsabunot sa buhok, pagpapakita ng dibdib at pagpa­paligo ng dumi sa kata­wan.

Lahat ito ay itinu­turing na pagpapakita ng  kalungkutan at ma­tin­ding sakit sa pagpa­naw ng minamahal o kamaganak.

Maraming makikita sa hieroglyphs sa mga libingan ng mga sinau­nang Egyptian ang sumu­sunod na kaba­baihan sa prosesyon ng paglilibing, at ang pina­ka­mahalaga ang pre­sensya ng mga diyosang sina Isis at Naphthys.

Pinaniniwalaan na ang dalaw ay may ma­ha­lagang bahagi kapag may namatay kaya kai­langan gayahin sila upang mati­yak na ang namatay ay maka­rarating sa ‘after-life’ o susunod na buhay.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …