Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tunay na relasyon ni Maris kay Iñigo, nilinaw: ‘Di kami naging mag-on, MU lang kami

FIRST full length comedy film ni Maris Racal ang I’m Ellenya L ng Spring FilmsN2 Productions, at Cobalt Entertainment na kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Ngayon nabigyan ako ng opportunity na ipakita ang talent ko rito,” masayang sabi ni Maris bagamat may nauna na siyang comedy film na ginawa.

Nilinaw naman ng dalaga na hindi talaga sila ex-BF ni Iñigo Pascual kaya maganda ang trabahong nangyari sa kanila sa I’m Ellenya L”Very professional siya (Inigo) at isine-set-aside ko rin ang anumang problem na dine-deal ko. Sabi nga ni Direk Boy 2 (Quizon) never niyang naramdaman na nag-aaway kami, hindi niya nakitang hindi kami okey. So normal naman po kami.

Nang tanungin siya kung na-in-love kay Inigo, sagot ni Maris, ”masasabi ko namang minahal ko naman po ‘yung tao, kasi ayoko namang mag-playtime lang.”

Sinabi ni Maris na nale-level sila as ex, pero, ”’yung relationship namin never natuloy sa maging kami. Kasi nasa time kami na gusto namin na mag-focus sa career, like si Inigo ang dami niyang gustong gawin tulad sa international at ayaw ding ma-distract.”

Kaya naman mutual understanding lang ang mayroon sila ng anak ni Piolo Pascual.

Kaya nga napagkasunduan na lang nilang dalawa na maging magkaibigan. ”’Yung conversation na ‘yun nahirapan din kami, kasi that means na we have to end something. Okey lang ‘yun as long as okey naman kami sa work, friends kami. Tanggapin na lang ‘yung mga nangyayari.”

Ang nag-initiate na maging magkaibigan na lang sila ay si Maris mismo para hindi na rin siya malito, aniya.

At kahit MU lang siya, exclusively dating sila ni Inigo. ”Hindi kami nag-entertain ng iba, kasi magulo ‘yun.

“At least now, happy naman kami sa kung ano ang mayroon kami. Clear na kasi, masaya na lahat. At wala naman akong ine-entertain na manliligaw kasi nga gusto ko munang unahin ang career ko,”giit pa ng dalaga.

Sa kabilang banda, blessed na maituturing ni Maris ang gumanp bilang  batang Nora Aunor sa isang pelikula. Bagamat hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkita ni Ate Guy, itinuturing pa rin niyang suwerte at significant ang role niya bilang young Nora.

“Na-meet ko na po siya four years ago pa. Pinipilit ko nga pong magkita kami kaso magkaiba ang oras namin. At nalaman ko namang aprub sa kanya na ako ang kinuhang Nora Aunor at nagpapasalamat po ako roon,” sambit pa ni Maris.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …