Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Premyadong aktor, sobrang taas ang hininging TF

PERA pala ang dahilan kung bakit inayawan ng isang premyadong actor ang dapat sana’y reunion movie nila ng isang sikat na aktres.

Ang tsismis, nagde-demand ng mas mataas na TF (talent fee) ang aktor, higher than the offer sa kanyang leading lady.

Pero parang presyong ayaw, alam mo ba ‘yon?” pambubuko ng aming source. Pero anito’y wala naman daw siyang nakitang dahilan para mag-quote ng “presyong ayaw” ang aktor.

Hindi naman daw dehado ito sa ibinigay na TF ng produ dahil baka raw ang ending pa niyan ay magkabukuhan sa bandang huli, “Lalong disgrasya ‘yon kapag nagkataon.”

Bukod sa multi-awarded actor na ‘yon ay kabilang din sa original cast ang isa pang de-kalibreng actor na madalas na ring makapareha ng magaling na aktres.

Da who ang aktor na bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Cris Tupperware.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …