Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maria Laroco, nag-launch ng international album

MADALING matandaan ang singer na si Maria Laroco dahil umabot siya sa Top 6 ng The X-Factor UK 2018 at naging mentor niya rito si Simon Cowell. Malaking achievement ito para sa newbie recording artist na nag-release ng debut album titled Just Maria. With ten original songs, ito’y under ng Odic Record na isang international recording label.

Aminadong ‘di malilimutan ni Maria ang naging mentor sa The X-Factor UK 2018 na si Simon. “Kasi talagang napakalaking tao po niya siyempre. He is the Simon Cowell. He played a big role po sa buhay ko. And meeting him taught me a lot of things po na thinking to myself na, ‘Wow, I am a lucky girl to be mentored by one of the best in the industry.’ Kaya talagang super thankful po ako that I got to be one of his Top 6 po during The X-Factor UK 2018,” saad ni Maria.

Bago ang stint sa X-Factor UK, noong bata pa ay su­masali si Ma­ria sa singing contests sa Filipinas. Like sa The Voice Kids season 1 na napabilang siya sa team ni Coach Lea Salonga. Nagsimula ang career ni Maria sa recording scene nang maging bahagi ng Universal Records Philippines at ini-release ang rendition niya ng kantang Beauty and The Beast.

Ini-release din ni Maria ang revival single niya na Hindi Ko Kaya, pinasikat noon ni Geneva Cruz at ginamit pang theme song ng isang Korea­novela sa GMA-7 na All About My Mom. Naging kinata­wan din siya sa Child Aid Asia concert na ginanap sa Japan.

Naging grand finalist siya sa The Will To Win ng Wowowin at grand champion sa Great British Festival sa Makati.

Ang carrier single ng album ni Maria ay pinamagatang Imagine, isang love song na tiyak na makare-relate ang millennials dahil ukol ito sa magic of love and its complexities. Ang Just Maria ay available at all digital music platforms tulad ng Spotify, Deezer, Spinner, iTunes, etc. You can follow Maria in her Facebook, Instagram and Youtube accounts at marialaroco. You can also email her at [email protected].

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …