Saturday , November 16 2024

2 Cabinet members nakasalang sa PACC

DALAWANG miyembro ng gabinete ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa umano’y pagka­kasang­kot sa katiwalian.

Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, matatapos sa Oktubre ang kanilang pagsisiyasat sa dalawang cabinet members na hindi niya pinangalanan.

Isusumite aniya ng PACC kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon at kung kinakailangan ay irerekomenda nila sa Ombudsman na sampa­han ng kaso.

Umabot aniya sa 40 ang inirekomenda nila sa Ombudsman na sampa­han ng kaso habang wala pang 100 ang sinibak ng Pangulo sa puwesto base sa kanilang rekomen­dasyon.

Lifestyle check sa PCSO official matatapos sa Nobyembre

MATATAPOS sa No­byem­bre ang lifestyle check na isinasagawa ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa 15 opisyal ng Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO).

Sinabi ni PACC Com­missioner Greco Belgi­ca  na kasama sa iniim­bes­tigahan sina dating PCSO general manager Alex Balutan at board member Sandra Cam.

Isinumite aniya ni PCSO general manager Royina Garma ang kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng 15 opisyal ng PCSO sa tanggapan ng PACC.

“She (Garma) sub­mitted 15 SALNs and in the course of the dis­cussion, narinig po namin iyong iba pang mga issues sa mga palaro, mga kulang na pagsusu­mite ng intrega sa go­byerno, issues ng kontra­ta, issues ng violations ng IRR (Implementing Rules and Regulations),” ani Belgica.

Matatandaan na ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng lotto, small town lottery, keno at peryahan ng bayan dahil sa “massive corruption.”

Makaraan ang tatlong araw ay ipinatuloy ng Pangulo ang operasyon ng lotto dahil hindi aniya ito kasama sa nabahiran ng korupsiyon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *