Monday , December 23 2024

Saklang patay ni Toto G. sa QC buhay na buhay

PATAY ‘este, tigil ang mga ‘negosyong’ lotteng ngayon sa Quezon City kahit na muling nabuhay o bumalik ang operasyon ng lotto ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO).

Muling nabuhay ang operasyon ng lotto makaraang bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon sa operasyon nito kamakailan.

Sinuspende ng Pangulo ang operasyon ng online games (lotto, keno at iba pa) ng PCSO dahil sa natuklasang katiwalian sa operasyon ng Small Town Lottery (STL), isang klaseng sugal din na pinatatakbo ng PCSO.

Kung  baga, nadamay lang ang lotto (sa suspensiyon) dahil sa kalokohan ng ilang tiwaling opisyal ng PCSO sa pagpapatakbo ng STL pero binawi nga ang suspensiyon sa online games, kabilang ang lotto nang mapatunayan na walang anomalya rito.

Pero ang STL hanggang sa kasalukuyan ay sus­pendido pa rin habang patuloy ang isi­nasagawang imbestigasyon hinggil sa sinasabing mga anomalya na nangyayari sa nasabing sugal.

Sa pagkabuhay ng lotto, inaasahan na mabubuhay din ang operasyon ng lotteng sa Quezon City ngunit, hindi nangyari dahil nga bawal ito bukod sa ilegal pa o isang pananabotahe sa operasyon ng lotto.

Pero kung patay ang operasyon ng lotteng sa lungsod, hayun buhay na buhay naman ang operasyon ng saklang patay sa lungsod na pinatatakbo ni alyas “Totong Saklang Patay.” E sino naman si alyas “Gaspar” na may kinalaman din sa saklaan? Isang tao lang ba sina Toto at Gaspar?

Namamayagpag pa ang saklang patay ni Totong sakla dahil sa ibinibigay na proteksiyon ng ilang tiwaling opisyal at tauhan ng Quezon City Police District – Police Station/s 1, 2 at 3.

Mula sa tatlong estasyon ang proteksiyon ng saklang patay ni Toto dahil ang operasyon ng sakla ay sa mga barangay na nasasakupan nila. Ibig sabihin ay nasa area of responsibility ng La loma PS 1, Masambong PS 2, at Talipapa PS 3, ang pananarantado ni Toto sa mga may pinaglalamayang patay.

Namatayan na nga, pinagkakakitaan pa ni Totong Saklang Patay…at siyempre, ng mga tiwaling pulis ng PS 1, 2, at 3.

Hindi na siguro lingid sa kaalaman ng mga residente ng lungsod partikular  ang mga barangay na nasa AOR ng PS 1, 2, at 3, kung bakit namamayagpag sa saklang patay ni Toto sa Kyusi. Siyempre ang dahilan, tulad ni Totong Saklang patay, pinakikinabangan din ng mga tiwaling pulis ng tatlong estasyon ang mga pinaglalamayang patay na nilalagyan ng sakla ni Toto.

Pinalalabas ni Totong Saklang Patay na ang kanyang pasakla ay malaking tulong sa mga mahihirap na namatayan.

QC Mayor Joy Belmonte, pakitulungan po itong mga konstituwent ninyo na sinasamantala ng sakla king na si “alyas Totong Saklang Patay.” Pinalalabas ni “Totong Sakla” na malaking tulong ang saklaan niya pero ang totoo ay pinagka­kakitaan lang niya ang mga patay o namama­tayan.

Bakit kaya hindi ito kayang sugpuin ng PS 1, 2, at 3? Ano pa nga ba?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *