Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katotohanan, magliligtas kay Julia

NEVER na pinagbintangan ni Bea Alonzo si Julia Barretto na inagaw si Gerald Anderson sa kanya bilang boyfriend. Kung babalikan natin ang mga Instagram post ni Bea, madidiskubre nating ni parunggitan si Julia ay ‘di ginawa.

Sa totoo lang, walang panahon si Bea para kay Julia. Ang inuusig n’ya ay ang ngayong ex-boyfriend n’yang si Gerald na basta tumigil na lang sa pakikipag-usap sa kanya. Si Gerald ang inakusahan n’yang nagtataksil, hindi si Julia. Walang pambu-bully na ginawa si Bea kay Julia.

Ang mga netizen na showbiz followers ang nagsimulang nanlait kay Julia dahil sa umano’y patuloy na pagiging malapit nito kay Gerald kahit na naipalabas na ang pelikula nilang Between Maybe’s. Itinapat pa n’ya ‘yon sa panahong napapabalitang nagkalabuan na sila ni Joshua Garcia.

Hindi totoong pinag-aawayan nina Bea at Julia si Gerald dahil never namang inakusahan ni Bea si Julia ng pang-aagaw kay Gerald. At never din namang inamin ni Julia na boyfriend na n’ya si Gerald. Iginigiit n’yang walang third party na sangkot sa pagbi-break nila. Suwerte nga si Julia na nagpapaka-gentleman si Joshua sa pagsang-ayon nito sa kanya.

Walang punto si Julia sa bintang n’yang ginatungan (“charged” ang salitang Ingles na ginamit ni Julia) ni Bea ang madla at ang mga kapwa artista nila para magalit sa kanya. Kung ni-LIKE man ni Bea ang litrato ni Julia na kasama si Gerald sa birthday party ni Rayer Cruz, napakadisente ng ginawa n’yang ‘yon. Hindi si Bea mismo ang nag-post ng picture na ‘yon kundi ang isang netizen. Kahit ‘di i-like ‘yon ni Bea, ma­la­lait pa rin si Ju­lia.

Ba­ka mas makabubuti para kay Julia na huwag na munang gumamit ng kung ano mang social media. Huwag siyang magbasa at huwag mag-post.

Pero bago siya tumigil, i-post muna n’ya kung sino talaga ang ipinalit n‘ya kay Joshua. Baka tigilan na rin siya ng netizens sa panlalait kung ipagtatapat na n’ya ang katotohanan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …