NAPA-WOW naman kami sa pahayag ni Nadine Lustre na napilitan lang sila ni Sam Concepcion na maging ‘sweet’ sa isa’t isa dahil ‘yun ang nasa script. Ang matindi, sinabi nitong nandiri siya sa kanilang intimate scene ni Sam na leading siya sa latest movie ng Viva Films.
Matagal na daw silang magkaibigan ni Sam at naging closed friends na humantong na magturingan silang magkapatid dahil sa nabuo nilang closeness. Hence, sa kanilang mga intimate moments ay kinikilabutan daw sila lalo na kung nagkatitigan sila, nandidiri daw sila sagil pakiramdam nila ay they’are doing an incest act.
Well, sana hindi na lang nagbigay ng ganitong pahayag si Nadine dahil hindi ito makatutulong sa promo ng kanilang pelikula lalo pa’t alam naman nila na umaarte lang sila dahil alam ng buong industriya na ang BF ni Nadine ay si James Reid.
In fairness, gusto namin ang pagiging prangka ni Nadine pero dapat ilagay ito sa tamang lugar dahil kung pinanonood ko ang ang movie at doon sa intimate scene nila ay bigay na bigay sila sa kanilang ginagawa na alam naming nandidri ang dalawa sa kanilang ginagawa, the best way for me to do ay tumayo at lumabas sa sinehan.
Dapat naisip ni Nadine na milyones ang nagastos sa paggawa ng isang main stream movie at magiging flopsina lamang dahil sa mga pahayag nito.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu