Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
daniel padilla

Daniel, frozen delight na nga ba sa ABS-CBN?

NAPAISIP kami nang may nagtanong sa amin kung bakit walang ginagawang project ngayon si Daniel Padilla simula noong humingi ito ng isang buwang leave sa ABS-CBN dahil tumulong sa pangangampanya ng amang si Rommel Padilla na tumakbong Congressman sa Nueva Ecija.

Ang masaklap, medyo hindi kinaya ng power ng aktor para maipanalo  ang ama.

Dapat may kasunod na ang mega hit na The Hows Of Us nina Daniel at Kathryn Bernardo lalo pa’t ito ang itinanghal na Box Office Hit of All Time but instead, marami ang nagulat dahil si Alden Richards ang kinuha ng Star Cinema para itambal kay Kathryn to think na taga-kabilang network ang kapareha.

Heto pa, kinuha rin si Maine Mendoza ng Black Sheep, isang unit production ng Star Cinema na dapat si Daniel ang kinuhang leading man para magandang pantapat sa Kathryn-Alden pero ang kinuha ay si Carlo Aquino.

At heto pa, may balitang may kasunod na pelikula agad si Alden sa Star Cinema.

Paano na si Daniel, anong naghinitay sa kanya?

Ang masaklap dito ay mabalitaan natin na gagawa muli ng movie sina Kathryn at Alden dahil sa promo pa lang ng Hello, Love, Goodbye ay ramdam na ang pagiging monster hit nito at posibleng mag-level-up sa kinita ng The Hows Of Us.

Base sa tsika ng aming source, tila frozen delight daw ang aktor dahil  sa  leave of absence.

Well, kung totoo man ito, puwede naming paniwalaang producer na si Daniel ng isang album at music video ng kanyang kapatid. As in, sarili nitong pera ang ginastos sa project under Star Music.

Dagdag pa, just recently, nakipag-meeting ito kay Director Red Mikhail para sa isang pelikula. Ang tanong ngayon, under ba ito ng Star Cinema o Black Sheep? Kung hindi, posibleng under his own production outfit  at sariling gastos.

Well, abangan!

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …