Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald at Maja, nagkaroon ba ng closure?

WALA kayang ipinagkaiba ang pinagdaanan ni Maja Salvador kay Bea Alonzo na hindi nagkaroon ng closure ang relasyon kay Gerald Anderson? Base sa pangyayari, nasabi ni Bea na tama na ang isang pagkakamali ni Gerald para mapagbigyan ng another chance dahil pangalawang pagkakamali na ito ng actor.

Naging magkarelasyon din sina Maja at Gerald noong 2013 pero wala kaming idea kung inabot sila ng isang taon dahil hindi namin ito nasubaybayan. Nagulat na lang kami na hiwalay na sila na ang rason ay nasasakal na ang aktor sa sobrang selosa ng aktres.

Sa interview kay Maja, natanong siya kung ano ang masasabi sa kanyang ex na naging dahilan para magkanya-kanyang landas ang dating  magkaibigang Maja at Kim Chiu.

Aniya, “Ayaw ko nang sumali. Masaya ako. Ayaw ko nang sumali, ayaw ko nang sumagot. (Ang) sa akin, kung pwede lang po, wala na ako r’yan.

“Sana hayaan nating silang lahat mag-heal dahil hindi madali ang may pinagdaraanan, so ‘wag na tayong sumabay, ‘wag na nating gatungan kasi at the end of the day, lahat tayo tao na nasasaktan at marami tayong mga bagay na mas kailangan na asikasuhin na mas importante.”

Hindi natin masisisi si Maja kung ayaw nitong mapasali sa kontrobersiya dahil masaya siya ngayon na nagkabalikan sila ni Rambo Nuñez noong Marso pa.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …